Wednesday, January 23, 2013

"Ang Lahat Ay Nagagawan Ng Paraan"

     Sa mundong ito, lahat ay nagiging komplikado ,lahat nagiging mahirap. Kaya ang iba saatin ay hindi na nailalabas ang kanilang saloobin at nawawalan na ng tiwala sa sarili."Ang lahat ay nagagawan ng paraan."Iyan ang linyang nagpapatibay ng aking loob kapag akoy'y mayroong problema o may dumarating na pagsubok sa aking buhay.Sinasabi ko rin ang mga katagang "Sisiw lang yan" at katulad ng kasabihan sa teleseryeng Aryana , " Itlog lang yan!" na nagpapahayag na maliit lang yan na problema. 

     Bilang isang munting estudyante,marami na rin akong nadadaanang mga problema at pagsubok. Minsan ay nagiging komplikado ang mga bagay bagay na nangyayari sa aking buhay.Sa mga namaling proyekto,takdang aralin at kung ano pa man.sa tulong ng aking  determinasyon at ng katagang "lahat ay nagagawan ng paraan", nasosolusyonan at nabibigyang kasagutan ang mga problema na dumarating sa aking buhay.

     Ang internet din ay nagsilbing daan para maipahayag ko ang aking saloobin. Lagi kong dinadamdam kung paano ko sasabihin at ipapahayag ang aking mga saloobin.Malaking tulong at benepisyo na rin ang internet para sa akin.Sa tulong ng Social Networking Sites, nagkaayos kami ng aking mga kaibigan . Nasabi namin sa isa't isa ang mga bagay na hindi namin kayang masabi ng harap harapan. Sa tulong nito, nagkaroon kami ng lakas ng loob upang magusap usap  at magkaayos .Salamat nalng sa internet dahil nagsilbi itong gabay at nagawan nito ng paraan ang pag aalinlangan at pagsubok na hinarap ng aming pagkakaibigan.

     Maraming mga paraan upang masolusyonan ang ating mga problema. "Lahat naman ay magagawan ng paraan!" Sa tulong ng linyang ito,nagiging positibo ang ating pananaw patungkol sa isang bagay.Kailangan din nating kumilos at maging mapag matyag sa lahat ng bagay.Kung hihina hina, tutulog tulog ka at kapag wala kang tiwala sa iyong sarili, walang mangyayari sa iyong buhay.

     Sa linya ring ito ay may malaking dahilan ang Diyos.Itinakda ito ng Diyos upang matuto tayo sa mga aral na ating makukuha.Kapag tayo ay may tiwala at pananalig  sa Diyos,walang bagay na imposible at lahat magagawan ng paraan!

No comments:

Post a Comment